Kamakailan lang ay umalis sa Creighton University si Kobe Paras, ngayon ay may bago nang tahanan ang anak ni PBA legend Benjie Paras.

Balik ng San Fernando Valley sa Los Angeles si Kobe, at sinabi nitong lalaro na siya sa California State Matadors na hawak ni coach Reggie Theus, dating player ng Chicago Bulls.

Mas gamay ni Kobe ang LA, dapat ay sa UCLA siya pero lumipat ng Creighton at isang taon ding sinuot ang jersey ng Bluejays. Limitado ang minuto niya sa Creighton at nag-average ng 1.3 points.

Inihayag ni Kobe ang desisyon sa isang video conference kasama si TJ Manotoc.

Kilala ang 6-foot-6 at 19-anyos na si Kobe sa kanyang payanig na dunks.

“I am happy to say that I have verbally committed to play at Cal State University Northridge,” basag ni Kobe (@_kokoparas) sa Twitter. “Can’t wait to be back on the court playing!”