Matapos ang isang taong paglalaro ni Pinoy cager Kobe Paras sa East Conference squad ay iiwanan na nito ang Creighton.
Nag-withdraw si 19-year-old Paras sa UCLA noong nakaraang taon bago sumanib sa Creighton.
Nagpasalamat naman si Paras sa kanyang coaches at teammates sa Twitter account niya kahapon.
“You welcomed me into your world, into your thoughts and made me a better person, this is goodbye thank you coaches and Creighton bluejay Fans,” saad ni Paras.
Limitado ang minuto sa paglalaro ni Paras sa Bluejays pero ayon sa kanya ay parte ‘yun ng laro na puwede siyang maging magaling na basketball player.
‘I’ve been eyeing the game and seeing it.” “Time on Creighton bench part of learning process,” ani Paras.
Naglaro ng 15 games sa Creighton si Paras at may 25-10 win-loss record ang kanyang koponan ngayong season.
Wala pang balita kung saan lilipat ang anak ng dating PBA Rookie-MVP na si Benjie Paras.