Kobe Paras magpahinog ka pa!

Sang-ayon ang ilang mga coach na mas mabuting ‘wag munang ituloy ng Gilas Cadet na si Kobe Paras ang pag-akyat sa pro-ranks at magpahinog pa nang husto sa kolehiyo.

Paniwala ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na kailangan pa ng 6 foot 6 swingman nang hustong pagsasanay sa college basketball matapos ang hindi masyadong matagumpay na tatlong taong paglalaro sa US NCAA.

Ayon kay Reyes, dalawang taon pa ang college basketball sa Pilipinas ang kailangan niya bago umakyat sa pro ranks.

Sumang-ayon rin ang dinidigahan daw ng University of the Philippines coach na si Bo Perasol.

“If you ask me personally, he has to play in college, just to prepare himself on how we play here,” ani Bo.

“He’s been gone for so long, that is why he has to make adjustments. He’s a smart guy, he knows what he needs to do.”