Mga laro ngayon: (The Arena, San Juan)
3:00 p.m. – Sta. Lucia vs Cocolife
5:00 p.m. – Petron vs Foton
7:00 p.m. – Cignal vs Kobe Shinwa

Nagparamdam ng lakas ang Japanese guest team Kobe Shinwa nang talupan ang Foton, 25-15, 22-25, 25-18, 25-12, habang pinaluhod ng Cignal ang Petron  25-22, 18-25, 25-15, 25-19 upang ilista ang kani-kanilang panalo sa simula ng final round ng 2017 Belo Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference kahapon sa The Arena, San Juan City.

Ipinakita ng Kobe Shinwa netters ang kanilang tikas kung saan ay halos hindi sila nahirapan sa paggupo sa Tornadoes na kulang sa armas.

Nagsani- puwersa sina Jovelyn Gonzaga at Rachele Anne Daquis para sa HD Spikers matapos itarak ang 16 at 15 markers ayon sa pagkakasunod.

Round robin ang apat na teams sa final round at tatanghaling kampeon ang team na may best record.

Nakabawi ang Cignal sa pagkatalo nila sa preliminary round matapos pagbabasagin ni Gonzaga ang mahipit na depoensa ng Blaze Spikers na malinis sa limang panalo bago sumalang sa final round.

“Hopefully magtuluy-tuloy kasi ito,” wika ni Cignal coach George Pascua.

May 1-0 ang HD Spikers, haharapin nila ngayong araw ang Kobe Shinwa University at pagkatapos ay isusunod ang Foton bukas.

Umiskor si Carmela Tunay ng 10 puntos para sa HD Spikers habang may tig walong puntos sina Frances Molina at Mina Aganon.

Samantala, nahablot ng Generika ang unang panalo sa classification matapos kaldagin ang Sta. lucia, 25-19, 23-25, 25-27, 25-18, 15-12 sa unang laro.