Kobe: Utang ko ang 5 titulo kay Jordan

Naging emosyonal ang mga fan sa ikalimang episode ng “The Last Dance” ESPN documentary series para kay National Basketball Association legend Michael Jordan noong Lunes (Manila time) kung saan tinampok ang kapwa alamat na si Kobe Bryant.

Pumaialnlang sa yugto ng docu-series ang “In loving memory of Kobe Bryant” — na pumanaw noong Enero 26 kasama ang kanyang anak na si Gianna at pitong iba pa sa plane crash sa Calabasas, California.

Pumatda sa bahagi ang tapatan nina six-time NBA champion Michael Jordan at 19-year-old Bryant sa 1998 All Star Game.

“I grew up watching Michael on TV and now you got a chance to go face-to-face with him, you get a chance to really see and like touch and feel- strength, speed, quickness and it was fun to be out there” kweno ng Los Angeles Lakers great.

Pinaliwanag rin ni Bryant ang pagkukumpara sa kanila Jordan at sa kanilang ‘one-on-one’ match-up.

“(He’s) like my big brother,” giit ni Byrant, “I truly hate having discussions about who would win one-on-one or fans saying ‘hey Kobe, you’d beat Michael one-on-one’. I feel like, ‘yo, what you get from me is from him,”

“I don’t get five championships here without him. Because he guided me so much and gave me so much great advice,” pag-alala ni Bryant sa Chicago legend. (JAT)