Kochi sa India nanguna! Luzon pangalawa bilang tourist attraction worldwide

Sa magkakaibang mga tourist attraction, ang Luzon ay pumangalawa sa talaan sa isang sikat na online company na nakabase sa United States sa 25 mga trending na pinupuntahan sa buong mundo para sa 2020.

Ang TripAdvisor’s Travelers’ Choice Best of the Best awards for trending destinations ay pinarangalan ang pinakamalaking isla ng bansa para sa man-made at natural attractions, at sinabi na ang mga manlalakbay ay nagdadagsaan sa Luzon “upang marana­san ang isa sa mas natatanging lokasyo­n sa mundo.”

Inirerekomenda ng nasabing tra­vel site ang 2,875 mga lugar sa Luzon na maaring bisitahin, tulad ng National Museum, Mt. Ang Pulag National Park at Fort Santiago.

Ang Kochi sa Kerala state sa India, ay nanguna sa listahan habang ang Cebu ay nailagay bilang pang-24 sa listahan. (Mina Aquino)