Hands off si Senate­ President Aquilino ­‘Koko’ Pimentel sa hirit ni Senador Leila De Lima na pa­yagan siyang lumahok sa mga deliberasyon at pagdinig ng Senado gayundin pagdating sa botohan.

Sa halip, paglilinaw ni Pimentel, ang korte lamang ang maaaring makapag­desisyon ukol dito.

“Nasa court na ‘yung issue, so let the court decide,” ayon kay Pimentel.

Ayon pa kay Pimentel, dapat ang mga abogado ni De Lima ang kumilos para dalhin ito sa korte.

Gayunpaman, paglilinaw ng senador, ang umiiral na regulasyon ng kapulungan ay kailangan ang personal na presensiya ng isang senador pagdating sa interpelasyon, debate at botohan.

Sa paghain lamang ng panukala o resolusyon­ ang hindi na kailangan pa ang personal na presensiya ng senador.

“Ang rules kasi namin, you must be present to be able to interpellate, to debate and to vote, but you need not be present to file resolutions, to file bills,” ayon kay Pimentel.

Una nang hinirit ni De Lima sa liderato ng Senado na payagan siyang makadalo sa mga pagdinig at deliberasyon ng Senado gayundin ang pagboto upang magampanan umano niya ang kanyang trabaho bilang halal na senador kahit nasa kulungan.

3 Responses

  1. BOGOK ka ba delima.
    dati sila jinggoy at bong hndi rin sila nakadalo sa deliberasyon at pagdinig ng Senado.
    ano ka special hinampak ka kapal naman ng mukha mo mahiya k nman…

  2. De lima umirit pa e di parang di kana nakakulong aatend ka sa deliberation sa senado? ano ka sinuswerte? mabuti pa mag sucide kana lang laki ng kasalan niyo sa bayan mga kawatan! Karma! ikulong ka habangbuhay dapat kasama ka ni trillanes mga buwisit kayo!

  3. Sino ba si Koko, hahahahaah…para kasing walang silbe, Senate President lang sya, dahil sa pagbibigay daan sa kanya, Senate President lang sya dahil yon ang pinangarap nya…Senate President na walang silbe…Flower Base ng Senado…hahahaa