Koleksiyon ng sapatos ni LeBron ‘nakakabaliw’

PIYESTA ang sneakerheads nitong Huwebes, may pa-tour si LeBron James sa kanyang nakakasira ng ulong koleksiyon ng sapatos – Nike.

March 26, 1987 nang i-release ng Nike ang Air Max 1. Mula noon, naging Air Max Day na ang March 26.

At siyempre, nag-celebrate si James sa kanyang bahay. Naka-quarantine dahil sa coronavirus, nagawang ilibot ni James ang kanyang fans sa napakarami niyang koleksiyon ng sapatos sa Instagram Live.

“Today is #AirMaxDay!! I’m definitely putting on a few of my favorites I have and walking around the crib throughout the day!” parating ni James sa kanyang fans.

Mga eskaparate na puno ng sapatos, aakalain mong isang napakalaking retail store ng Nike ang closet ni James.

“I usually don’t go through my sneakers like this, but since it’s Air Max Day, gotta show a pair of Air Maxes,” wika ni James.

Nasa Nike na si LeBron sapul nang kunin ng Cleveland Cavaliers bilang top pick overall noong 2003. Taong 2015, pumirma siya ng lifetime deal sa brand.

Sa dami ng kanyang koleksiyon, iba’t ibang kulay, kabisado pa kaya ni LeBron kung saan nakalagay ang bawat pares?

Gaano kaya katagal niyang hanapin ang sneakers na trip niyang isuot sa isang partikular na araw. (VE)