KOMEDYANA, SUPER-EPAL SA YAYAMANING PRODU

KOMEDYANA, sipsip at mapapel sa mayamang babae na nagpo-produce ng show!

Si comedienne ay matagal na sa showbiz. Kilala naman siya. Kaya lang, pag kinuha sa show, ang daming demands at malaki ang talent fee na hinihingi.

Mega-explain ang potah na live siya kung kumanta at hindi nagli-lip sync.

Madali raw siyang kausap at walang paliguy-ligoy. (Nuknukan ka ng plastik, ate!)

Sa kantahan, knows daw niya ang gusto ng audience, bago man o luma ang song.

Ang comedy niya, wala raw gaya-gaya puto maya. Original daw ang kanya.

Hanggang makuha siya sa isang show na ang produ ay tunay na yayamanin.

Kinarir ito ni ate. ‘Tsurang bumisaklat siya sa mga patawa niya para makuha ang atensyon ni rich produ.

Puro papuri siya rito na ikinatikwas ng mga kilay ng mga staff ni produ.

Ang matindi, kesyo hindi siya magpapabayad nang malaki. Nababaitan daw siya kay lady produ, eh! (Amplastik-plastik mo, ‘teh!)

To cut the story short, naging best of friends sila.

Siya na ang laging kinukuha ng produ sa mga out of town shows, pati sa ibang bansa.

Sa isang thank you party sa isang malaking venue, present siempre si plastikada komedyana.

Laking gulat niya na may kasama siyang gay performers na magho-host din.

Nataranta siya. Tina­lakan ang coordinator kung bakit may mga ba­ding eh kayang-kaya na raw niya ‘yun.

Chika ni coordinator, ayaw ni yayamaning produ na mapagod si comedienne dahil mahaba ang show.

Kinabahan si ate. Alam niya sa kanyang kaibuturan na lalamunin siya ng mga bakla.

Pinulong niya ang mga baklita at pinagsabihan na huwag siyang sapawan dahil yakang-­yaka niya raw na patalsikin ang mga ito.

Smile lang ang mga bekibelle sa paandar ni ate.

Start na ang show…

Rampa kete rampa ang mga ba­ding. Ginawa silang back-up singers/dan­cers ni komed­yanang Reyna Epal.

Hanggang ma-sight ni ate ang rich na produ. Winelkam niya ito nang napakatining na boses, puro magagandang salita ang binitawan niya na ‘tsurang maiiyak.

Nang uupo na si lady produ, bigla siyang buma­ba ng stage at ina­yos na mabuti ang uupuan ni Madam Mayaman.

Beso to the left, beso to the right ang potah at chumika, “Ma’am, may iuutos ba kayo sa akin? Gusto n’yo po ba ng tubig? Kahit ano po, gagawin ko!”

Na-shock ang hitad dahil dahil hindi siya pinapakinggan ni yayamaning ale.

Naka-focus na kasi ito sa mga bading sa stage at tawa nang tawa.

Tuwang-tuwa si madam­ sa mga beki!

Biglang umakyat si plastikada sa stage at jumoin sa mga comedy skit ng mga vaklah.

Nagtawanan ang mga utaw dahil hindi makuha ni attitude ang punchline ng mga juding.

Nagmukha siyang shonga!

Nagngingitngit ang kalooban ng hitad.

Bumaba ito sa stage at chinika ang coordinator na bawasan ang talent fee ng mga bading.

Ang chika ni coordinator, naibigay na nila sa mga bading ang kanilang TF at pinadagdagan pa ni lady produ.

Si ateng comedienne, tulaley.

Hindi na siya pinansin ng mga utaw.