Minsan, sa kalagitnaan ng isang awards night ay naunang dumating ang inutusan ng sikat na komedyanteng nominado para gawaran ng award, sa venue na pinagdarausan.
Sabi ng Julalay sa security guard at sa mga namamahala ng event, “Paparating na po si Boss… Saan daw po siya pupuwedeng dumaan na walang maraming tao?”
Natuwa ang mga utaw dahil nadinig nilang paparating na ang komedyante. Pero ang problema, iisa ang entrance na ginagamit ng mahigpit na lugar na daanan ng mga artista, at marami talagang tao doon kapag awards night. Sabi ng security guard: “Pasensiya na po, pero wala po siyang ibang daraanan na walang tao.”
Halatang hindi happy ang julalay sa sagot ng sekyu.
Halatang hindi rin natuwa ang madlang pipol na nandu’n sa venue at nakadinig sa tsikahan ng dalawa.
Sey nila: “Kalowkah naman ‘yang komedyante na ‘yan! Ayaw niyang maraming tao? ‘Wag ka, dahil asam at kailangan naman niya ng maraming taong manonood ng kanyang mga pelikula kapag mayroon siyang movie na kasali sa festival!”