Isang komisyon ang nais ni Sen. Grace Poe na buuin na siyang magdetermina kung sino ang karapat-dapat na ilibing sa Libingan ng mga Ba­yani (LNMB).

Alinsunod na rin ito sa kontrobersiyal na usapin ukol sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani na siyang inutos ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ni Poe, wala umanong Pangulo ng bansa ang maaring magsabi o magpasya kung sino ang ililibing sa Libingan ng mga Bayani.

Sa halip, isang komisyon ang magdetermina nito upang hindi na rin mabahiran ng pulitika.
“A commission should really be formed for that purpose, no politics should come into play,” ayon kay Poe na isa sa mga tumutol na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Umaasa naman ang senadora, na hindi ito ikakasaa ng loob ni dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

Una nang sinabi ng senadora, na magdudulot ng pagkahati-hati ng sambayanan kapag pinayagang ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating pa­ngulo.

3 Responses

  1. ilibing na yang marcos na yan sa LNMB. Hindi naman literal na bayani ang ibig sabihin ng mga pwedeng ilibing dun. wala pa yang libingan na yan nang patayin si rizal, si bonifacio etc. basta naging presidente o sundalo pwede. aso nga ni cory nakalibing dun. dapat nga ang LNMB inio-offer sa lahat ng gumawa ng kabayanihan. yung batang namatay sa pagliligtas ng mga nalulunod noon sa pista sa bocaue bulacan dapat doon nakalibing, yung namatay dahil sa pagliligtas ng mga binaha dapat doon nakalibing. magwawala ang tao kapag si de lima inilibing dun.