Kompanyang tatanggap ng PWD reregaluhan

Inihayag ng Labor department na pagkakalooban nila ng insentibo ang mga kompanyang tatanggap ng persons with disabilities (PWD) bilang kanilang mga empleyado.

Ang naturang insentibong ibibigay ng kagawaran ay ang pagkakaroon ng isang taon na “ligtas mula sa inspeksyon” (immunity from ­inspections) na taunang isinasagawa ng DOLE sa pagpapatupad ng batas sa paggawa.

Paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang nabanggit na 1-taong immunity ay hindi na­ngangahulugang ligtas na sila sa anumang kaso sakaling lumabag sila sa anumang batas sa paggawa.

Nakasaad sa Republic Act 10524, ang mga kompanya sa pribado at gobyerno na may mahigit 100 empleyado ay kailangang maglaan ng isang porsiyento sa kanilang “job slots” para sa mga papasa o ku­walipikadong tao na may kapansa­nan.