Inamin ni Tim Cone na mula nang kumalas sa PBA at sa team niya nang lumipad pa-Amerika si Greg Slaughter ay wala na silang komunikasyon.

“I haven’t had any communication with him aside from seeing things that had been on social media a couple of times,” pag-amin ng league winningest coach ng patungkol sa kanyang prized center.

Ayon sa Barangay Ginebra San Miguel bench tactician, kahit matagal nang walang pag-uusap, hindi pa rin niya isinasarado ang pintuan at umaasang babalikan pa sila ni ‘Gregzilla.’

“Maybe he’ll be ready to come back and be fresh minded and ready to go,” dugtong pa ni Cone. Nilisan Nilisan ni 7-foot slotman ang pro league matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa Ginebra noong Enero.

Pero kahit nasa US na naiispatan at lumabas sa mga instagram post na busy pa rin sa pagba-basketball ang sentro ng mga kabarangay kung saan nakakalaro pa niya si Chris Ellis na dati ring player ng Gin Kings.

Sakaling bumalik si Greg, ayon kay Cone malaking alas aniya ito para sa team niya sa Philippine Cup.

“This would have been our first All-Filipino chance with Stanley (Pringle) in our lineup. And if we happen to bring Greg to our lineup, yes I think we can be a force in the All-Filipino.” (Aivan Denzel Episcope)