Kondenahin ang pagpatay kay Atty. Ramos

Aksyon Lady, Kaye Dacer

Nakikiisa tayo sa pagkondena sa pagpatay kay human rights lawyer Atty. Benjamin Ramos.

Maraming grupo ang kumukondena sa nangyaring pagpatay kay Atty. Ramos na abogado ng Mabinay 6 at maging ng mga biktima ng Sagay 9 massacre.

Ang sa akin, Hindi dapat inaatake ang mga abogado dahil sa pagganap ng kanilang trabaho.

Mabuti nga at may katulad ni Atty. Ramos na tumutulong kaya sana naman hindi na ito maulit pa.
***
Dismayado ang maraming sektor sa paggawa sa kakarampot na umento sa suweldo.

Sabagay nga naman saan nga naman aabot ang P25 dagdag sa sahod mo.

Insulto sa mga manggagawa ang katiting na wage hike kaya dapat suportahan ang pana­wagang ibasura ang mga pahirap na probisyon ng TRAIN Law, aprubahan ang P750 natio­nal minimum wage at tuldukan ang kontraktuwalisasyon.