Koneksiyon nina Kalei, Majoy hindi mapuputol

Kahit malayo sa isa’t isa bunsod ng lockdown dulot ng coronavirus disease 2019 , hindi napuputol ang koneksiyon nina Philippine SuperLiga (PSL) women’s indoor volleyball stars Tyler-Marie Kalei Mau at Mary Joy ‘Majoy’ Baron.

Suspendido man ang 8th PSL Grand Prix 2020 eliminations noong Marso sanhi ng COVID-19 pandemic, konektado ang dalawang key player ng F2 Logistics Cargo Movers.

Sa Instagram story ni 24-year-old, six-footer middle blocker Baron, pinasilip niya ang dalawang pares ng sapatos na bigay ng 25-taong-gulang, may taas na 6-2 open hitter na si Mau.

Tumugon naman sa sa homegrown player sa kanyang IG post ang Fil-Am volleybelle: “Since I can’t be with you to make you laugh I’m happy I can still make you smile.”

Wala kasiguruhan kung kalian magpapatuloy ang liga, nakadepende sa global outbreak. (Janiel Abby Toralba)