Kongresista mag-o-overtime para sa Con-Ass

house-of-representatives

Magkakayod-marino ang Kamara sakaling umarangkada na ang Constitutional Assembly (Con-Ass).

Para kina Deputy Speakers Miro Quimbo, Fred Castro at Raneo Abu handa silang magpalawig ng oras sa trabaho at kahit magdagdag ng trabaho ang buong Kongreso para maisakatuparan ang kanilang mandato bilang Constituent Assembly.

Ang posisyon ay inilutang ng mga lider ng Kamara sa harap ng duda na maaapektuhan ang legislative work ng Kongreso kung sila ay mag-Con-Ass.

“Nagtatrabaho lamang ang Kongreso mula Lunes hanggang Miyerkules. Wala nang plenaryo ng Thursday and Friday, wala na ring halos committee hearing ng Thursday and Friday, so it is really­ a matter of extending our hours at pakiusapan din natin iyong ating mga distrito na kung pupuwede ay mas mabawasan iyong presensiya ng ating mga representante dahil mayroon silang pangalawang papel na ginagampanan na ibinibigay ng Saligang Batas,” pahayag ni Quimbo.

Puwede naman, ani Castro, silang magtrabah­o bilang Con-Ass sa gab­i habang ang umaga ay itutuon nila sa trabaho para sa pagsasabatas.

“Time management lamang iyan. Tingin ko, sistema lang ang dapat mangyari diyan, magagawa nating lahat iyan,” ayon naman kay Abu.