Nilinaw ng Malacañang na hindi isina­santabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusulong ng sistemang federalism sa gobyerno.

Sa kabila ito ng naunang pahayag ng Pangulo na nais niyang maamyendahan ang ilang economic provision ng 1987 Constitution.

Matatandaan na sa kanyang talumpati sa peace assembly sa Cotabato City para isulong ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law, ipinahiwatig ng Pangulo na hindi lahat, kundi ilang economic provision lamang ng Saligang Batas ang gusto niyang ipaamyenda.

Pero sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi tinatalikuran ng Pangulo ang pagsusulong ng federalism sa halip ay ipinapahayag lamang aniya nito ang kanyang ideya lalo na at malamig ang Kongreso sa Charter Change.

“We have to ask the Congress why it’s mo­ving slow. The President wants the Constitution be amended the soo­nest,” dagdag pa ni Pa­nelo.