Kongreso sa PNP: Batocabe killing lutasin

Aries Cano

Kinalampag ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin ang Phili­ppine National Police (PNP) na maging bibo sa paglutas ng kaso ng pagpatay ni Cong. Rodel Batocabe at police escort nito na si SPO1 Orlando Diaz.

Nangangamba si Garbin na mapasama sa listahan ng hindi nareresolbang krimen ng PNP ang nangyaring pagpaslang kay Batocabe at security aide nito.
“This should not go into the statistics again of unresolved crimes,” ani Garbin.

Wala pa aniyang update na ibina­bahagi ang kapulisan sa pamilya ni Rep. Batocabe kung ano na ang bago o development sa isinasagawang imbestigasyon.

“It’s very unfortunate that police authorities have yet to update the family of Cong. Rodel about their investigation. We call on them to share with family members whatever developments they may have on the case,” pagbibigay-diin ni Garbin.

Importante aniya ang pagkakaroon ng patas na imbestigasyon sa insidente.
Malakas ang hinala ni Garbin na may kinalaman sa politika ang nangyaring pagpatay kay Batocabe.

Ipinaliwanag nito na simula ng maghain ng certificate of candidacy (CoC) sa pagka-mayor ng Daraga, Albay ay nakatanggap na ng mga pagbabanta sa buhay si Batocabe.

“I can readily agree that it is purely politics,” giit ni Garbin.
Muli ring nanawagan ang Bicolano solon sa mga politiko na disarmahan ang kanilang mga bodyguard.

Dapat aniyang ma-neutralize ng PNP ang mg private army.

“Mas maganda kung magkusa and at the same time, we are cal­ling also for the PNP to disarm those private bodyguards,” ayon pa kay Garbin.