Isang konsehal ng bayan ang napatay makaraang pagbabarilin nang malapitan ng riding in tandem habang ang biktima ay nakatayo malapit sa kanyang tinitirhan sa Barangay Malipampang, San Ildefonso, Bulacan kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Leonardo ‘Ading’ Cruz, negosyante, ng Barangay Malipampang at number 8 Municipal Councilor sa bayan ng San Ildefonso na hindi na umabot nang buhay sa pagamutan bunga ng tama ng bala sa kanyang katawan.
Mabilis namang tumakas ang dalawang armadong suspek na kapwa nakasuot ng helmet at magkaangkas sa motorsiklong walang plaka nang matiyak na kanilang napuruhan ang Municipal Councilor.