Target ngayon ng Maguindanao Police ang riding-in-tandem na namaril sa sasakyan na ikinasugat ng isang konsehal ng Mamasapano, Maguindanao, Biyernes ng hapon.
Kinilala ni Police Lt. Col. Henry Banias, Mamasapano town police chief, ang konsehal na si Mastura Bedtigilan Kamidsa, 47, taga-Barangay Tuka.
Naganap ang insidente alas-tres Biyernes ng hapon habang minamaneho ng konsehal ang kanyang Toyota Innova patungong munisipyo ng Shariff Aguak nang lapitan ng dalawang nakamotorsiklo at agad na nagpaulan ng bala.
Nagawang ipagpatuloy ng biktima ang kanyang pagmamaneho kung saan humabol pa ang mga salarin hanggang sa makarating ito sa Army detachment. Agad namang naitakbo sa Maguindanao provincial hospital ang biktima.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang 14 basyo ng bala ng M16 at kasalukuyang nagsasagawa ng imbesÂtigasyon ang pulisya. (Vick Aquino)