Kontra kay Coco: Vice naduwag sa laban

NI: ARCHIE LIAO

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang naging post ni Vice Ganda bago pa nag-live si Coco Martin sa Laban Kapamilya streaming para magsalita tungkol sa kanyang saloobin sa pagsasara ng ABS-CBN.

Kung emosyonal si Coco sa kanyang naging pahayag, mahinahon naman ang atake ni Vice sa kanyang stand sa closure ng Kapamilya network.

Ani Vice, may kanya-kanya raw pamamaraan ang tao sa paglaban. Ang iba raw ay dinadaan sa galit o away. Ang iba naman ay mas pinipiling idaan ito sa mapayapang paraan.

Siya raw, gusto niyang idaan ang lahat sa dasal dahil naniniwala siyang ang panalangin at tiwala sa Diyos ang matinding sandata sa anumang krisis.

Ayaw rin daw niyang pangunahan ang kanyang Diyos pagdating sa pagbibigay ng solusyon sa bawat problemang kinakaharap.

Bagamat maraming sumang-ayon sa kanya, marami ring tumuligsa sa TV host-actor dahil naduduwag daw ito dahil isa raw itong DDS.