Kontra kotong pinaigting

Antonio-Gardiola-Jr

Pinagbantaan ni Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) chief S/Supt. Antonio Gardiola Jr. ang mga pasaway na traffic enforcers na sangkot sa kotong sa kahabaan ng EDSA.

Pangungunahan ni Gardiola ang binuong Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na binubuo ng HPG, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), at Land Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Gardiola sa isang traffic management assets inventory sa Camp Crame, bumuo sila ng inter-agency counter intelligence unit para bantayan ang kani-kanilang mga tauhan sa EDSA.