Imbiyerna maging mga celebrity sa mga kababayan nating nagpa-panic buying at naghu-hoard ng kung anu-anong bilihin sa panahong ito na tumitindi ang kaba at pangamba dahil sa pagkalat ng kinatatakutang COVID-19.

Balitang-balita kasi ang patuloy na pagtaas ng bilang ng confirmed cases ng coronavirus sa bansa, tapos ay may mga nagpakalat pa ng fake news na magkakaroon umano ng lockdown sa iba’t ibang lugar kabilang na ang Metro Manila kaya dagsa ang mga tao sa mga grocery at supermarket.

Wala nang mabiling rubbing alcohol sa dami ng namakyaw. Maging ang toilet paper o bathroom tissue ay nagkakaubusan din. Kalerky!

Isa si Bianca Manalo sa mga unang nag-post na iwasan ang paghu-hoard ng pagkain at iba pang bilihin ng ‘upper class’ dahil ang naaapektuhan ay ang mga mahihirap na walang pambili.

Mga sakim ang tawag ni Kakai Bautista sa mga Pinoy na nagpa-panic buying sa gitna ng krisis. Sana raw ay mahiya ang mga ito dahil hindi lang sila ang anak ng Diyos.

Sang-ayon din kay Bianca sina Iza Calzado at Bianca Gonzalez. ‘Yung mga mayaman kasi ay may pambili ng marami, eh paano ang mga dukha?

Post ni Direk Joey Reyes, “There’s more panic in the supermarket than the hospitals! Alcohol & toilet paper in great demand. I understand about the alcohol but what the f—k is it about ‘malinis na puwet’ and the virus?! #panicbuying.”

Tweet ni KaladKaren, “Sa mga nagho-hoard at nagpapakalat ng fake news—tandaan: May… karma. At mas mabilis pa ito sa virus.

“In these trying times, let’s protect one another. ‘Wag selfish, cyst.”

Tweet naman ni Kristoffer Martin, “Galing akong grocery. So, na-witness ko pag-panic buying ng mga tao. Nakita ko mga cart, minimum ng alcohol sa cart nila 2 boxes. Mga tissue din.

“Maging considerate kayo. ‘Di lan kayo ‘yung tao sa mundo. At kung ibebenta n’yo man ‘yon, garapata kayo dito sa mundo.”

Nilinaw ng ABS-CBN na walang katotohanan ‘yung kumakalat na private message at text mesage tungkol sa umano’y paghahanda para sa lockdown.

Huwag na raw ikalat ang fake news na ito, na hindi nakakatulong sa publiko.

Actually, ‘yung mga ganu’ng misinformation ang naging dahilan kaya ang daming nagsuguran sa grocery at nag-panic buying.

Kalukring!!

Mister ni Ai Ai piloto na

Super proud and happy si Ai Ai delas Alas dahil sa wakas ay naka-graduate na ang mister niyang si Gerald Sibayan at isa na itong ganap na piloto.

Si Ai Ai pa mismo ang nagplantsa ng uniporme ni Gerald na isinuot nito sa big day nito.

Capt. Gerald Sibayan na ang tawag sa mabait na jowa ni Ai Ai, na pinasalamatan niya sa tiyaga at dedication nito para maging piloto.

“Masayang-masaya ako dahil parati mong naiisip ang future natin. And sabi nga, ‘The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.’

“Na-fulfill ko na ang dream mo kaya fly high, my love. God bless you my darling and again, Congratulations. To God be the glory,” ang masayang caption ng Comedy Queen sa pinost niyang pics nila ng kanyang darling na kuha sa graduation ceremonies nito kahapon.

In fairness kay Gerald, bukod sa official na ang pagiging pilot nito, looking good din ito ngayon dahil kinarir nito ang pagpapapayat.

Ang ganda na ng katawan ni Ge kaya nagmukha itong bata at lumabas ang appeal.

At bongga dahil may endorsement pa itong nakuha, na sabi ni Ms. Ai ay marami pa raw sanang sumunod.

Natuwa kami for Gerald dahil hindi na ito basta-basta pagtataasan ng kilay ngayon dahil meron na itong sariling career bilang isang piloto.

‘Katuwa, ‘di ba naman? Congrats, Ai & Ge!! PAK!!