Pinalawig ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office ng isang taon ang equipment lease agreement nito sa Pacific Online Systems Corp. ng negosyanteng si Willy Ocier.

Ang extension ay pansamantalang lunas para tuloy-tuloy pa rin ang lotto operations ng PCSO na pinahinto kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na binawi din niya ng wala pang isang linggo.

“Please be advised further to our disclosure dated 31 July 2019, that the term of our Equipment Lease Agreement (ELA) with the Philippine Charity Sweepstakes Office has been extended for a maximum period of one year beginning 01 August 2019,” sabi ng Pacific Online Systems sa stock exchange kahapon.

“The extension is a stop-gap measure to ensure the unhampered lotto operations of PCSO and to allow it to complete the procurement or bidding process for a new PCSO Lottery System,” dagdag ng kumpanya.

Dalawa lang ang lumahok sa bidding ng PCSO para sa pani­bagong limang taong lease para sa bagong lottery system nito—ang Pacific Online at ang Philippine Gamin­g Management Corp. Subalit, madami naman ang nag-express ng interest tulad ng Genlot, Kolonwell Trading, Exakt, WindyPlan Co. Ltd ng Korea, Ascendph Co. Ltd., K-Team, Gametech Labs, Zeenet/Kerberus Corp., Securlik Network and Techno­logies Inc., at Sybase Solutions Corp.

Idineklara ng PCSO na parehong ineligible ang Pacific Online at PGMC kaya’t maituturing na hindi naging matagumpay ang bidding.

Nabatid na kapag ang isang ahensiya ng pamahalaan ay paulit-ulit nang nag-fail sa bidding para sa isang kontrata ay maari na itong pumasok na lamang sa negosasyon. (Eileen Mencias)