Noong Martes, sinabi ni coach Tim Cone na krusyal ang Game 3 dahil ang mananalo ay malalagay sa magandang posisyon para kontrolin ang series.

May punto, pero hindi ang Ginebra niya ang nasa manibela.

Sa halip, Gin Kings ang naghahabol matapos itakb­o ng Meralco ang 107-103 panalo sa Smart Araneta­ Coliseum kagabi at 2-1 lead sa PBA Governors Cup Finals. Game 4 ng best-of-seven series sa Biyernes sa Big Dome din.

Pukpukan ang match, walang gustong magpaiwan.­ Sa sobrang dikit, walang makalayo nang todo: Ginebra sa first quarter 20-18, 48-44 sa Bolts sa break. Manipis na 71-69 lead pa rin ang hawak­ ng Meralco pagkatapos ng three.

“It seemed to be a game that neither team wanted­ to lose,” ani Bolts coach Norman Black.

“We’re getting­ closer to where we want to be, we really wanted to take Game 3.”

Nagsumite si Allen Durham ng 36 points, may 22 points si Chris Newsome at 18 pa kay Jimmy Alapag­ sa Meralco. Nag-init din si Reynel Hugnatan na ­tumapos ng 17 points, karamihan mula long range.

“Hats off to Reynel. When he makes those shots he takes the pressure off Allen Durham,” dagdag ni Black.

Pinangunahan ng game-high 42 points ni Justin­ Brownlee ang Ginebra, may 14 si LA Tenorio, 12 kay Japeth Aguilar at 10 si Scottie Thompson.

One Response