Binulabog ng bomb threat ang tanggapan ng isang kooperatiba sa Batangas City noong Miyerkoles ng umaga.
Ayon sa nagbabanta gamit ang text message, pasasabugin ang opisina kung ibibigay na agad ng mga namamahala ang bonus ng mga empleyado at mga miyembro nito.
Sa report ng Batangas City police, natanggap ng isang Kenneth Fabella, representative ng Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) ang text message mula sa numerong 09076609861 na nag-uutos na huwag munang ibigay ang bonus ng mga miyembro at mga empleyado.
“Alam ko ito po ang main office ng SIDC, ‘wag nyo munang ibibigay ang bonus kung hindi pasasabugin namin ngayong oras, ayoko naman madaming madamay. Hanggang Dec 20 yan ibigay – and sumunod kayo sa usapan natin para walang madamay na tao,” ayon sa text message.
Agad naman itong ipinagbigay-alam ng pamunuan ng SIDC sa pulisya na
bagama’t nakakatawa anila ay hindi rin umano dapat ipagwalang bahala. (Ronilo Dagos)