Bumagsak ang ranking ng Pilipinas sa 2019 Corruption Perceptions Index na inilabas kahapon ng Transparancy International, isang global corruption watchdog.

Nira-rank ng Corruption Perceptions Index ang mga bansa kung saan tinitignan nito ang perception ng corruption sa pamahalaan ng 180 na mga bansa. Sa 2019 Corruption Index, ang Somalia ang pinaka-corrupt na bansa sa mundo, kasunod ang South Sudan at pangatlo ang Syria.

Ang Pilipinas, kasama ang lima pang bansa, ay pang 21 sa mga pinaka corrupt na bansa gayong pang 23 ito noong 2018.

Malaki ang papel ng politika sa paglaban sa corruption. Sa mga bansa kung saan madaling impluwensiyahan ang mga eleksyon at mga political parties, mas mahirap labanan ang corruption.

Sa Pilipinas, halimbawa, may malalaking negosyante na hawak ang Partido at ang iba ay nakaupo pa sa Kamara at Senado kung saan sila ang nagdidikta ng mga patakaran na susundin.

Ang pinakamayaman sa Pilipinas, si Manny Villar, halimbawa, ay malakas ang impluwensiya sa politika dahil senador ang kanyang asawa na nakaupo pa sa mga sensitibong chairmanship. Ang anak niyang si Mark Villar ay secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may board seat sa mga sensitibong ahensiya tulad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, Local Water Utilities Administration, Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), at iba pa. Ang asawa ni Mark Villar ay nakaupo rin bilang undersecretary sa Department of Justice (DOJ) na siyang nagre-review ng mga kontrata ng pamahalaan. (Eileen Mencias)