OPISYAL nang ia-announce mamaya sa 24 Oras ang Korean actor na leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.
Bukod sa kanyang katambal, ilang professional Korean actors din ang pasok sa Kapuso drama series na partly shot sa Seoul, South Korea.
Co-stars ni Heart sa serye sina Janice de Belen, Ricky Davao, Iya Villania, Edgar Allan Guzman, Valeen Montenegro, Frances Makil, Jinri Park at Myke Salomon.