Korean pastor pumalag sa panggigipit

Umalma ang isang Koreanong pastor laban sa pamunuan ng gusaling inuukupahan ng kanilang religious group sa Makati City.

Ito’y makaraang makaranas ng panggigipit ang nagmamay-ari ng buong ikatlong palapag ng gusali sa Pierceland, pati ang mga miyembro ng Christian church.
Sa panayam ng Abante kay Elder Jae Jung Jang, may-ari ng ikatlong palapag, puwersahan silang pinagsusuot ng ID (visitors pass) kahit 20-taon na nilang ginagamit ang naturang lugar bilang simbahan.

Lalo silang naguluhan nang pagbawalang papasukin o i-ban ang kanilang pastor na si Senior Pastor Moon Hyung Chae sa loob ng naturang gusali simula noong Mayo 13 matapos pumalag itong magpakapkap habang palabas ng naturang gusali.

Simula noon ay hindi na sila nakapagsamba at nagsasagawa na lamang ng prayer vigil sa harap ng gusali.

Samantala, kinuha naman ang panig ng pamunuan ng Pieceland Corp. ngunit ang tanging tugon nila ay nasa ospital umano ang administrator ng gusali. (Mina Aquino)