Patay ang isang 38-anyos na Korean national matapos magbigti dahil dinamdam ang pagkatalo ng P20 million sa casino.

Nadiskubre ang bangkay ng Koreano kaninang madaling araw sa tonutuluyan nitong condominium sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Hyun Jin Do, nanunuluyan sa 1001 Admiral Bay Suites na matatagpuan sa 2138 Alcodea St. corner Roxas Boulevard sa Malate Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-homicide section, alas-12:13 ng hatinggabi nitong Martes nang makita ng kanyang kaibigang si Sang Sik Yang ang biktima na nakabitin sa balkonahe ng tinutuluyang condominium unit.

Dumating sa bansa ang biktima noong Hunyo 14 upang mamasyal kasama ng kanyang kaibigan.

Makailang beses umanong natalo ang biktima sa Midas Casino sa Pasay noong Hulyo 27 hangganggang Hulyo 30.