Korina frustrated First Lady

Isa si Korina Sanchez sa nagpahayag ng damdamin sa ibinigay ng Kongreso na provisional franchise sa ABS-CBN 2.

Mababasa sa kanyang Instagram account..

“House approves temporary renewal of ABSCBN franchise until end of October 2020.

Okay. I guess dapat mag Thank You…na pinakinggan nila ang konsiyensiya nila. Kasi hindi naman talaga dapat yan pinasarado. So, no thanks for putting the whole country through this unnecessary stress and turmoil and for branding the Philippines in the world as a mockable state. Pero, sana, matuloy ang pangako? Kase nangako na dati sa Senate Hearing na hindi pasasarado. Pero pinasarado. Paano ito naiba? Pakita nga.
And okay naman magbanta si Senator Cayetano na hindi ito permanente. Okay lang. Sana lang siguraduhin ng mga legislators naten na ang magiging desisyon nila by end of October ay MAY BASEHAN ha? Because, again: this isn’t just a moment in time. This is each legislators’ legacy to their surname FOREVER that their descendants will carry. Sino ba naman ako? Just sayin’.”

Pero ang mas nakakaaliw kay Korina ay ang pagiging bagong ‘Patola Queen’ sa mga basher. Sinosopla niya talaga ang mga ito at hindi pinapalampas.

May nag-comment sa kanya ng @tryingtobestrongph, “Sana po mag aral na si kim chiu ulit para tumalino siya. Pakisabi po sa kanya.”

Pakli ng broadcast-jouirnalist, “@tryingtobestrongph wag kang BRUHA.“

Nito nakaraang araw may bumanat din sa kanya ng basher ng “frustrated First Lady.”

Sinupalpal niya ito ng “Iz dat da best you can do? O sya. Please leave. Sakapang bruha. Out!”

Niresbakan din niya si @johnnyjay1997 , “Buti nlng hindi si Mr. mo naging pres. Pihado panay pa-cute lang din gagawin mo…”
Sagot niya: “@johnnyjay1997 Yan na ba ang best mo? Kaya naman pala yan nalang pinagkakakitaan mo troll. Proud kaya parents mo sayo👎ro

Sinopla rin niya ang basher na tumawag sa kanyang “frustrated First Lady,” “Iz dat da best you can do? O sya. Please leave. Sakapang bruha. Out!”

Marami ang pumupuri kay Korina sa pagiging palaban sa mga basher.