Korina, James, Mocha tinakot ni Kris?

Mainit pa rin ang isyu sa laban ni Kris Aquino versus Nicko Falcis. Palaban ang bawat isa at walang tigil ang parinigan sa kanilang mga socmed account.

Kapwa pinagtatanggol ang kanilang mga panig para mabuo muli ang imaheng sumisira sa alitan nila. Halo-halo ang opinyon ng mga netizen hinggil sa isyu.

Mas lalong nagpatindi rito ay nang kumalat na ang recorded conversation na kung saan ay pinagbabantaan umano ni Kris ang buhay ni Nicko.

Maging ang mga dating nakatunggali ng akres ay nabuksan na rin ni Nicko.

Sa isang Instagram post, isiniwalat niya ang mga ginagawang taktika diumano ni Kris.

Pamilyar na rin daw umano ito sa kanya dahil ganito rin niya kinalaban ang mga taong sumasalungat sa kanya.

Nasaksihan umano niya kung paanong ginamit umano ng ­aktres ang kanyang pera at kapangyarihan para kalabanin sina Korina Sanchez, Ricky Lo, Mocha Uson, James Yap, James Deakin at marami pang iba.

Sa ginawang live ni Kris sa kanyang social media account nag-react lang siya ng ‘ang luma’.

‘Di naman daw sila part ng issue at laban niya kay Falcis.