Korina mas Imeldific kay Jessica

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos na ikumpara ng isang basher si Korina Sanchez sa Kapuso broadcaster na si Jessica Soho, muli na namang nabuhay ang rivalry sa dalawa.

Binuhay ng mga kibitzers ang paghahambing sa kanila hindi lang sa galing nilang mag-host kundi pati na sa kanilang angking kayamanan.

Ibinalandra ng ilang netizens ang shoe collection ng Rated K host mula sa pasilip nito sa kanyang vlog.

Nakakalula ang 200 pairs ng imported shoes ni Korina na puro designer brands.

Nakakalula rin ang mga presyo ng mga ito na afford lamang ng rich and famous.

Sa kanyang koleksyon, makikita ang sophisticated na taste ng misis ng Mar Roxas pagdating sa mga sapatos.

Sa isa namang compilation ng FB user na si Nelson Adrian na nai-feature sa Preview magazine, nasilip din ang koleksyon ng designer shoes ng karibal nitong si Jessica Soho.

Hindi rin ito pahuhuli sa pagiging bonggacious tulad ni Korina.

Kung merong Manolo Blahnik, Valentino Rockstud at YSL platform sandals si Korina, meron din siya.

Gayunpaman, may mga nagsasabing mas “Imeldific” daw si Korina kesa kay Jessica.