Niresbakan ni Kapamilya journalist Korina Sanchez-Roxas ang mga ‘kumampi’ sa pagpapasara operasyon ng ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram post, isa-isa mismong sinagot ng “Rated K” host ang banat ng mga netizen laban sa network.

Comment ng isang netizen na si thetheamae, “Thats ok itama nlng ang mga mali.Plain and simple never estemated the Philippine Law. FICTAP interview made it clear na hindi ito tungkol sa ‘freedom of the press’, gaya ng nababasa ko sa mga coworkers mo. rather, ABS-CBN’s franchise controversy is an issue of ‘unfair competition’ which kills small broadcasting and cable operators, and the general public who’s been paying ABS-CBN for their services which violates for their ‘Free-to-air’ license. Ngayon lang sinusubukang itama, at nagkataon lang na mapapaso na ang franchise nila kaya nagkaroon ng ingay.stop blaming the Government!my family here are TFC subcribers for a decade and now we cant watch na din..be open minded nlng kasi may mga hidded agenda e.”

Sumagot naman si Sanchez ng “Oh Puhleeez itama mo muna ingles mo o kaya magtagalog ka nalang kaya?”

Isa pang comment mula kay bethd.maurin “Maam wag mo po idamay c Lord s post na ito. 😭😭”

“Lord, pakitama po ang taong ito na nalilito. Amen.” tugon ni Korina.

Sabi pa ni princesscherie75 na nagcomment ng “Ka OA mo koring, yon mga mga tricycle driver pag di naka pag Renée ng licence dinadakip, maliliit na sarisari store nagbabayad ng tax regularly. Tas abs-cbn gusto nyo palabasin na kasalanan ng Gobyerno. Koring wag pabono style.”

Humirit naman naman ang TV host ng “Sis anlayo ng utak mo. Balik ka muna dito sa mother earth at lumipat ka bago ka magkomento.” (JAT)