Arestado ang 27-anyos na driver nang paglaruan ang maselang bahagi ng katawan sa harap ng isang staff ng laundry shop sa Dasmariñas City, Cavite.

Kulong ang suspek na si John Airon Salvacion dahil sa reklamo ng biktimang si ‘Neneng’.

Sa ulat ni PCp. Aaron John Golo ng Dasmariñas City Police, dakong alas-11:45 kamakalawa ng umaga nang dumating ang suspek na isang regular customer sa nasabing laundry shop na may dalang mga palabada.

Sandaling nakipagkuwentuhan ang suspek habang naglalaba ang biktima nang ilabas nito ang kanyang ari at nag-jakol sa harapan ni Neneng.

Nagsisigaw ang biktima kaya mabilis na umalis ang suspek saka ito nagsumbong sa kanilang barangay na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-5:32 ng hapon.

Kasong grave scandal ang isinampa laban sa suspek. (Gene Adsuara)