Hiniling ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kay Philippine National Police (PNP) Director General Ronald `Bato’ dela Rosa na sibakin ang ilang kagawad ng pulisya sa naturang lungsod na umano’y nangongotong sa mga vendor sa Redemptorist Church sa Baclaran.
Hindi muna pinangalanan ang mga pulis na nireklamo umano sa tanggapan ni Olivarez ng asosasyon ng mga vendor sa Baclaran na hinihingan sila ng kolektor ng mga tinaguriang kotong cops ng ‘advance protection money’ na nagkakahalaga ng P10,000.00 para sa buwan ng Hulyo dahil ito umano ang utos ng kanilang ‘amo’ na taga-Southern Police District.
Sinabi pa ng mga vendor kay Olivarez na mga bagong mukha at hindi nila kilala ang mga unipormadong pulis na umiikot sa lugar at pasimpleng humihingi ng ‘advance payment’ pero kaya nilang ituro sa PNP chief kung kinakailangan.
Pakiusap ni Olivarez kay De la Rosa na bumuo ng task force para imbestigahan ang mga police scalawags na ito at ilipat sa Mindanao o sibakin nang tulungan sa serbisyo kapag napatunayan ang iligal na gawain.
dapat talagang mawala na ang mga kotong at mga buwaya sa lipunan.. dalhin sa Mindanao nang masampulan..
at least ngayon di na takot magsumbong ang mga tao lalo na sa PNP chief dahil makakaasa ka ng patas.