Krimen sa CL bumaba sa anti-drugs ops

Bumaba umano ng 50% ang mga insidente ng kriminalidad sa Central Luzon partikular sa lalawigan ng Bulacan makaraang ilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang anti-drug project na ‘Double Barrel’ noong Hulyo 1.

Ayon kay P/Chief Supt. Aaron Aquino, acting director ng Police Regional Office, kung ikukumpara noong Hulyo 2015, ang kriminalidad sa Gitnang Luzon ay bumaba ng 50% maliban sa ilang kaso ng murder na naitala sa Bulacan.

Ang Project ‘Double Barrel’ ay two-pronged approach na binubuo ng Project HTV (upper barrel) at Project Oplan Tokhang (lower barrel) na nagresulta ng 36,000 sumuko, halos 800 gramo ng shabu at marijuana ang nasamsam, mahigit 600 sangkot sa droga ang nadakip at daang tulak ang napaslang sa drug operation.