Bumaba ng 2.84 porsiyento ang kriminalidad sa buong lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Pangasinan Police Provincial Office (PPPO).

Sinabi ni PPPO provincial operations and plans branch commander Police Maj. Exzur Relatado, ang nasabing datos ay nabanggit noong 2nd District Command Conference noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Relatado na 15,084 insidente ang naitala simula Enero 1 hanggang Oktubre 31 noong nakalipas na taon. Naitala naman ang 14,656 na insidente sa parehong buwan ngayong taon o 428 na mas mababa kumpara noong 2018.

Ang pagbaba ng kriminalidad ay naiugnay na rin nila sa pagtutok sa theft, physical injury, rape, robbery, murder, homicide at carnapping. (Allan Bergonia)