Krimen sa Soccsksargen bumaba

Iniulat ng Police Regional Office sa Soccsksargen na bumaba ang bilang ng mga krimen sa mga probinsyang sakop ng nasabing rehiyon dahil na rin sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa maraming lugar dito.

Ayon kay Soccsksargen police regional director Brig. Gen. Alfred Corpus, nasa 49% ang ibinaba ng crime rate sa rehiyon sa loob lamang ng nakalipas na 20 araw.

Nagkaroon din aniya ng 60% na pagbaba sa mga krimen na katulad ng murder, homicide, robbery, theft, physical injury, car theft, at rape kumpara sa naitala na mga ganitong krimen noong 219.

Gayunman, sinabi rin ni Corpus na kahit hindi pa ipinatutupad ang enhanced community quarantine ay masigasig na sila sa kampanya kontra krimen.

Inamin nito na malaki ang naitulong ng enhanced community quarantine upang lalo pang mapababa ang mga insidete ng krimen sa kanilang rehiyon.

Ayon pa kay Corpuz, nananatili sa kanilang mga tahanan ang mga tao kaya walang mabibiktima ang mga kriminal.

Kabilang sa mga probinsyang nakapalood sa Soccsksargen ang ay South Cotabato, North Cotabato, Sultan Kudarat, at Sarangani, and ang mga siyudad ng Cotabato, Kidapawan, Tacurong, Koronadal, at General Santos. (PNA)