NAG-SWEAR sa amin si Edgar Allan Guzman na talagang break na sila ng girlfriend niyang si Shaira Mae de la Cruz (na nasa morning show ng GMA na Trops).

Ayaw na lang magbigay ng detalye ni EA para tahimik na at dahil gusto niya ay positive lang.

Dinenay niya sa amin na naghihiwalay tapos ay nagkakabalikan din sila palagi ni Shaira.
Wala raw gano’n.

Recently lang sila naghiwalay, pero naka-move on na raw si EA.

Okey ang career niya ngayon at wala muna siyang nililigawan.

Ngayong nasa GMA na siya ulit, open ang 27-anyos na binata na makapareha ang iba’t ibang Kapuso leading ladies.

Bet niyang makatrabaho sina Jennylyn Mercado, Andrea Torres, Kris Bernal at maging si Barbie Forteza.

May Doble Kara pa siya sa ABS-CBN nang ialok sa kanya ang afternoon soap na Impostora kaya hindi niya ito natanggap.

Maganda ang naging kapalit nito dahil boyfriend ng bidang si Heart Evangelista ang role ni EA sa primetime romcom series na My Korean Jagiya.

First primetime ito ni EA dahil panay pang­hapon ang ginagawa niyang soap sa ibang channel.

2008 pa ang huli niyang show sa GMA na Daisy Siete. After that ay matagal siya sa TV5, bago siya nag-ABS.

Ngayong balik-Kapuso siya ay freelancer na siya.

First time makatrabaho ni EA si Heart.

HEART at ALEXANDER
HEART at ALEXANDER

Sinabi niya rito na dati niya itong pinapanood at si Heart ang u­nang chinita na kinabaliwan ng mga lalaki.

Isa siya sa mga na­baliw dati kay Heart nu’ng bagets pa siya.

Dream niyang maka­sama ito noon at ngayon ay kapareha na niya ito.

Hindi niya in-expect na ganu’n ka-approachable si Heart in person.

Asshole boyfriend na babaero at feeling pogi ang role ni EA. Akala ni Heart ay magpo-propose siya rito, sa ibang girl pala.

Sobra siyang mahal ni Heart kahit sinasaktan at niloloko niya ito, tapos ay makikilala at maiinlab ito sa isang Koreano, na gagampanan ni Alexander Lee.

Bukas nang gabi na ang simula ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad kapalit ng I Heart Davao.