KRIS, ARNY, MEG & JINRI
KRIS, ARNY, MEG & JINRI

LALONG naging paraiso ang Palawan na dinayo ng nagseseksihang artista sa episode ng Road Trip bukas (Linggo, August 13) nang 5:15 PM sa GMA 7.

Magkakasama sa biyahe ang bida ng Impostora na si Kris Bernal, ang Bubble Gang cast member na si Arny Ross, ang sultry star na si Meg Imperial, at ang DJ-model na si Jinri Park.

Aminado ang sexy stars na hindi sila magkakaki­lala nang husto. Magi­ging masaya kaya ang road trip nila?

Binisita nila ang mga hayop sa Calauit Safari Park. Africa ang peg, huh?!

Inirampa nila ang kani-kanyang bikini at sumubok silang mag- kayak at banana boat ride.

Sumabak sila sa fire dancing at ginalugad ang Black Island.

Makiangkas sa Palawan adventure nina Kris, Arny, Meg at Jinri.

Hanapin ang inyong “Happy Place To Heal Your Hugot” sa Road Trip!