HINANAP si Kris Aquino, pati sina Alden Richards at Maine Mendoza sa story conference ng pelikulang gagawin ni Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 and the Abangers na isasali sa Metro Manila Film Festival.
Noon pa man ay sinasabi ng mga taga-M-Zet na hindi sila kasali. Kaya nagtataka sila, bakit may lumalabas na ganu’ng kuwento?
Sino ang leading lady ni Bossing Vic na siyang gaganap na Faye?
‘Secret’ ang sagot ni Bossing Vic.
Ang nasagap naming tsika, meron talagang Faye sa pelikulang ito, pero surprise siya.
Kakaiba raw ang paglabas ng Faye sa pelikulang ito. Iyun ang hindi nila sasabihin kung sino, dahil dapat na abangan daw sa pelikula.
Nag-break the ice na noon si Bossing Vic at ngayon lang sila magre-resume pagkatapos ng kanilang story conference.
Kung may movie sina Alden Richards at Maine Mendoza sa 2016 Metro Manila Filmfest siguradong Box Office Hit na naman iyon… Sayang walang gumawa ng movie para sa kanila. Masayang pasko sana para sa Aldub Nation…