Alam ni Kris Aquino na laging handa at nariyan ang kanyang mga kapatid para tulungan at damayan siya sa anumang problemang kinakaharap niya. Gayunpaman, sinisikap ni Kris na patunayan na kakayanin niya ang anumang laban at pagsubok kahit mag-isa lang siya.
Kaya naman ayaw nang idamay ni Kris ang kanyang mga kapatid sa problema niya. Tulad na lang sa magaganap na court battle sa pagitan niya at ng dati niyang business partner na si Nicko Falcis, na sinampahan niya ng kasong qualified theft sa pitong siyudad.
Bagama’t silang magkakapatid ay mayroon ding hindi pagkakaunawaan minsan, alam ni Kris na nabubuo ang pamilya nila kapag may mga taong gustong yumurak at manira sa kanilang pangalan bilang mga Aquino.
Sa dalawang post ni Kris sa kanyang Instagram (@krisaquino), inilahad niya ang katotohanan tungkol sa relasyon nilang magkakapatid. Bahagi ng post niya…
 “How many times did my Ate offer to join our mediation? Pinky went out of her way to secure a function room in a club only she and her husband are members of BUT several hours before the meeting they canceled on us. How often does Tito Noy text kuya josh to check on him and to make sure he is okay.
“My siblings have endured more than enough scrutiny most especially my 3 sisters who never wanted public lives. I REFUSE TO ADD FURTHER TO THEIR BURDENS. No choice ang Mom namin, i was her baby. But now that we are all grownups, aged 63 to 47 years old- quota na sila. Kaya na ‘to ng ‘baby’ nila.”