tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioNasa hulog naman ang ginagawa ni Digital Empress Kris Aquino na ang kanyang mga abogado ang sumagot sa mga paandar at payanig ni Gretchen Barretto.

Kung ikaw ay isang COJUANGCO AQUINO, papatol ka ba sa isang LAOS na ST skin flick starlet? Siyempre, hindi. No. Nada. Nay. Kaya nga may mga abogado ka, let them do the explanation and presentation of truths for you.

Maliban sa pagiging member of the League of Extra Ordinary Has Beens sa kasulukuyan, ano ba ang ipinagmamalaki ni Barretto na ang claim niya pa nga, ay sobrang ligaya niya?

Na siya ay kabit? Na hindi na raw niya iniinda ang mga katotohanang ito. Gusto paniwalaan ni Gretchen na aspirational at ins­pirational ang kanyang estado sa buhay. Wow! You are so G.S.I.S! Gi­sing sa ilusyon, sister.

Sapat na ba ang branded outfits, shoes, bags, jewelries at kung ano-ano pa para mapagtakpan ang iyong status that you covet the most?

Magaling ka ring storyteller. In your spare time, nag-workshop o may creative writing course ka bang sinumulan at tinapos?
Maliban sa paggaya sa gawi ni Aquino, ang kanyang the plot thi­ckens na paandar ay, “She and her lawyers pretend in public they’re not after me but behind the scenes, 150/arte is acting and scheming to kill me.”

Eh ‘di wow na wow! Ikaw pala ang magiging biktima sa kaganapang ito. Awang-awa kami sa iyo. We so freaking feel you.

Kung hook, line and sinker eh tinatanggap niyo ang mga pasabog ni La Greta, nasa demokrasya tayo, karapatan niyo iyan. Kaya nga ang diva that you love, ang tanging hiling kung na kaninong sala ang pinaglalabanan nina Nicko Falcis at Kris Aquino, i-determine na kung may probable cause nga ba ito para ang tunay na laban, mangyari na at mabawasan na ang mga walang tigil sa pagkokak at kuda.

Paolo magpapakasal sa bagong papa?

Dahil nga may special participation si Paolo Ballesteros sa “Born Beautiful,” na puwedeng mapanood na sa mga pangmalakasang cinema sa biggest mall chain kasi nga may R-16 version na ito, at puwede rin sa mga exclusive shala cinemas kung saan ang R-18 version ay mapapanood, sumuporta ang the Other Queen P sa premiere ng uncensored version nito.

Habang kami ni the great Mimi Juareza ay nagpapa-photo op, dumaan sa harap namin si Ballesteros, at bilang magkaibigan, super hug kami.

Biniro ko siyang “Gusto kong mag-antanda sa iyo,” kasi nga super kwela ang kanyang appea­rance bilang Virgin Mary sa pelikula. Ang Transformation Queen, super LOL sa biro ko. From the periphery of my eye, sight ko na kasama niya pala ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso, si Kenneth Gabriel Concepcion.

Sa isang panayam, walang halong pag-iimbot at buong katapatang inamin ni Ballesteros ang mga katangian ni Concepcion na kanyang ikinalulugod, na mabait at charming ito, mabait din sa magulang at pamilya.

Masaya ang diva that you love para sa the Other Queen P. Ang buong sangkabekihan, mabuhay ang bagong kasal na ba ang susunod na isisigaw para sa dalawa? Kaabang-abang.

Gabbi-Khalil 2 taon na ang relasyon

Dalawang taon and counting na pala ang relasyon nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia. Kilig na kilig ba tayo sa rebelasyong ito? Next question, please.

Si Ruru Madrid, may paandar na hindi pa sila ni Bianca Umali? Again, again, kilig na kilig na kilig ba tayo sa pangyayaring ito. Next, next question, please.

Ang mas tatambling tayong lahat, kung si Jo Berry, ang mahusay na little people na bida sa “Onanay,” sinabing may karelasyon siya at ang hombre kunyari ay super papable papa, ano ang magiging reaksyon natin?

Walling habang ngu­mangawa? Mawawalan ng ulirat at matutulog ng 100 years? O tutulong na lang sa Manila Bay clean up dahil shookt na shookt ka sa alindog at kariktan ni Jo?