USAP-USAPAN ang posibleng pagbabalik ni Kris Aquino sa GMA 7.
Totoo kayang hindi sila nagkasundo sa renewal of contract sa ABS-CBN 2?
Posibleng magka-show siya sa GMA 7 dahil mukhang ipagpo-produce siya ng show ng APT Entertainment na kung matutuloy, siyempre sa GMA 7 mapapanood.
Wala kaming nakuhang kumpirmasyon mula sa kanila at kahit sa GMA 7, pero napapag-usapan na baka totoo.
Ito kaya ang resulta ng meeting niya sa APT boss Mr. Tony Tuviera kasama si direk Michael Tuviera kamakailan?
Ok lang naman kahit saang TV station si Kris. Malakas pa rin ang appeal niya sa moviegoers. Tandaang siya ang tumanggi sa renewal ng mga shows niya at hindi siya tulad ng ibang itinitinda ang sarili magkaroon lang ng shows. Look nyo naman, carry niyang mabuhay nang maayos at ang dami pa ring commercial endorsements.
May hatid na malas yang manyak na yan.. lahi ng dilaw na salot ng bayan
Sobrang linis mo naman. If I know mas masarap at kuntento si Kris sa buhay niya kumapara sa iyo. Inggit ba? Eh mukhang pataygutom ka lang.
kakaawa ka naman.. ala naman ginagawa ang tao sayo. magsimba ka nga para mawala yang poot sa puso mo kung me puso ka ha tatalab sigurado..
GO GO GO KRISSY!!!
Huwag na, Diyos ko naman, pag laos tanggapin na