tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAng diva that you love, aliw na aliw sa bagong video posting ni Digital Empress Kris Aquino. Literal na ibinabahagi niya sa kanyang mga taga­subaybay ang iba’t ibang semi-precious and gem stones na may “magic” para nga naman ang kanyang over wellbeing at health ay maging go for gold ang healing.

Naka-Gucci pullover si Aquino habang iniisa-isa niya ang kanyang “going all natural” na siya for wellness. Wala namang masama kung she is giving all these stones a thumbs up.

Interesting ang kanyang mga sharing kung ano ang lakas at pagga­ling ang kanyang maa-achieve. Dapat naman na gumaling na si Krissy sa lahat ng kanyang physical and emotional afflictions.

Meron siyang jade, amethyst, rose quartz, clear quartz na siyang magpapalakas sa lahat ng iyong mga suot na trinkets, tiger’s eye, black onyx at iba-iba pa. Impressed si Kris sa shop kasi, sabi niya nga, “Alam mo na inaral nila, alam nila what is best for you.”

Dahil nga feeling great, good and gracious siya, pinasalamatan niya rin ang kanyang ex-husband na si James Yap. Malapit na kasing maging 12 years old ang kanilang anak na si James Yap, Jr.

Nakakatuwa na “sincere” ang kanyang pasasalamat sa da­ting asawa at ina-acknowledge niya ang katotohanan na it took their love together ­during the past kaya nga may bright, pubescent boy silang si Bimby sa kasalukuyan.

Sana, ang magandang pakiramdam niya para sa tatay ng anak niya, tuloy-tuloy na at ang mga tao, lalo na ang haters at bashers niya, isama na siyempre natin si Gretchen Barretto sa equation, huwag siyang akusahan na ginagamit na naman niya si James, Sr. para sa good publicity.

Huwag na sanang kantiin pa ni La Greta ang pangyayaring ito at baka maipamukha sa kanya ang katotohanan na for all her external beauty, never siyang maikakasal sa kanyang love of her life.

Mukhang bongga talaga ang naitutulong ng mga magical crystals and stones sa Digital Empress, huh! Ang positivity na ito, naway tuloy-tuloy na!
***

Anne sinuportahan si Jasmine

Panalo talagang maging “ate” si Anne Curtis, huh! Kahit pa nga belonging to warring networks sina Curtis, at ang Curtis who can act na si Jasmine, go for gold ang support ni elder Curtis Smith sa kanyang kapatid na kasali sa “Sahaya.”

Hindi ba, super sweetness naman si Anne. Kaya nga ang diva that you love, may pananalig na ang kanyang ate ang isa sa mga pinagtanungan ni Jasmine kung wise career move nga ba ang ma­ging Kapuso.

Sangrekwa na kasi ang prinsesa at ladies in waiting sa Mother Ignacia station at sa Kamu­ning network, ang nagre-reynang uri lamang talaga ay si Jennylyn Mercado, Heart Evangelista at Barbie Forteza. Ang Curtis who can act is more than a welcome addition sa mga reyna sa Kapuso network. Isa na siyang major, major po­werful feminine sa Kapuso station and she still has so more beauty and ta­lent to give.