Kris Bernal, aligaga sa negosyo

Kris Bernal

TANGGAP na tanggap na ng pamilya Pangilinan pati na ng Inang Megastar Sharon Cuneta ang boyfriend ni KC Concepcion na si Aly Borromeo.

Kitang masayang-masaya sila sa pagdiriwang ng birthday ni Senator Kiko Pangilinan sa Todd English.

***

Kris Bernal
Kris Bernal

Bising-busy si Kris Bernal para sa burger joint na #MeatKris na kanyang bubuksan.

Ayon sa aktres, mahirap pala ang maging solo sa isang business kaya hands-on siya rito.

“Grabe ‘yung effort at proseso na pinagdadaanan ko para sa aking upcoming business kaya naman excited na akong i-launch ito soon.

“Wala akong partners but I’m very lucky to have consultants and very supportive friends to help me,” sey ni Kris.

***

Puro pasigaw ang acting ni Enrique Gil sa grand reveal ng teleseryeng ­Dolce Amore na si Cherie Gil ang tunay niyang ina at hindi si Techie Agbayani.

Walang nararamdaman, puro sigaw at voice acting … kaya at the end of the episode, malat na si Enrique at ­garalgal na ang boses.

Reaksyon tuloy ng isang viewer, parang ­hindi nadukot ng pelikulang DUKOT ang husay ni Enrique at all.

Sayang.

***

Medyo ­nasobrahan ang pagka-OA na pagpapa-cute ni Arron ­Villaflor sa Umagang Kay ­Ganda.
At dahil magkakamukha, puwede siyang pagkamalan na kapa­milya ni GMA reporter Mark Zambrano at Mr. Manhunt International June Macasaet.

***

May mall show ang cast ng Kapuso tele­fantasyang Magkaibang Mundo bukas ­(Sabado. August 27) nang 5:00 PM sa SM City Baliwag sa Bulacan.

Magpapasaya sa fans sina Louise de los Reyes, Juancho Triviño, Dion Ignacio, Isabelle de Leon, Marika Sasaki at Liezel Lopez.

***

Tuluy-tuloy ang magagandang project ni Tom Rodriguez sa GMA.

Kasabay ng kanyang bagong drama series with Lovi Poe na Someone To Watch Over Me, magiging host si Tom ng bagong talent reality show na #Like kasama ang internet sensation na si Balang.

Sa GMA Public ­Affairs show na ito, mapapanood ang pagali­ngan ng mga internet sensation sa bansa.

“Overflowing ang ­talent ng mga ­Filipino at sa #Like, we will be featuring them,” sabi ni Tom.

“Excited na ako how this show unfolds.”