INILAAN ni Kris Bernal ang kanyang 110% na focus simula nang matanggap ang Kapuso afternoon drama na Impostora.
Isinakripisyo ni Kris ang pagma-manage ng kanyang food business.
Lahad ni Kris, “Iniwan ko muna sa mommy ko. Kasi, gusto ko, kapag nasa Impostora ako, 100% ‘yung effort ko na naibibigay. “Happy naman ako, kasi, kahit wala ako du’n, malakas pa rin ang sales namin.
“So, naisip ko, pwede ko nang iwan ‘to, kahit punta-puntahan ko na lang.”
***
Panalo ang mga pasabog ng Sunday PinaSaya sa month-long Valentine celebration nito sa GMA 7.
Ngayong Linggo, sama-sama sina Ruru Madrid & Gabbi Garcia, Miguel Tanfelix & Bianca Umali, at Barbie Forteza, Ken Chan & Jak Roberto para i-celebrate ang Valentine’s Day.
Babalik sina Dingdong Dantes & Marian Rivera-Dantes sa MAGKASUNDONG AWAYAN segment.
Panauhin sa DJ Bae segment si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, na kakanta ng love songs at magbibigay ng love advice.
***
Iba’t ibang kuwentong pag-ibig ang hatid ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ngayong gabi sa GMA 7.
Ang ilan sa mga prinsesa ng banyera sa Navotas Fish Port, sasabak sa dating game.
Ang winner ay makaka-date ang tinaguriang Pambansang Abs na si Jak Roberto.
Viral sa social media ang ad ng isang fast food chain tungkol sa isang lalaking na-in-love sa kanyang bestfriend.
Sino ba ang “bestfriend” sa naturang commercial?
Hindi rin mawawala ngayong Linggo ang ilang pagkaing bagay sa Araw ng mga Puso.
Sa Pampanga, 1900’s pa lang daw ay itinitinda na tuwing Valentine’s Day ang panghimagas na Dulce de Amor.