NASA tamang hulog ang emotada encarnacion ni Kris Aquino na mainis sa mga sagot ni James Yap Sr. sa mga panayam na nangyari sa kabubukas ­lamang nitong bar.

May tatlong bagay lang ang hindi kami sang-ayon sa mga ratrat ni Tetay.
Please, don’t accuse Yap of using his James Yap Jr. for publicity.

Kung hindi dahil kay Senior, wala kang 10-year-old boy na ipinagtatanggol at prinoprotektahan.

Give James the credi­t he is due. Siya ang biolo­gical father ni Bimby.

Kahit pa poot na poot ka sa lalaking ang turing mo ay sperm donor mo na lamang, it does not erase the fact that he is the father of his name sake and his junior at that.

Itigil mo na rin ang pagpapamukha mo kay James na he laughed his way to the bank noong magkahiwalay kayo.

Kasalanan mo ‘yan. Hibang na hibang ka dati sa pagmamahal sa basketball cager and for all your intelligence, hindi mo nagawang papirmahin si James ng pre-nuptial agreement.

Mahal na mahal mo si James dati at nanalig kang forever kayong dalawa.

Hindi ba’t ikaw pa ang tila namanhikan kina James, with full The Buzz TV coverage nu’ng dumalaw ka sa Escalante to meet the parents of James?

Sobrang fierce mo, neng, di ba? Ikaw pa ang dumalaw sa balay ng hombre.

Wala kayong pre-nup, so, your ex-husand is ­entitled to whatever you shared conjugally.

Tetay, minsan naman, owe up to your poor sense of judgement at ‘wag mong palabasin na parang yaman mo lang ang gusto sa iyo ni James Sr.

***

On the subject matter na hindi nagbibigay ng financial assistance si James sa anak ninyo, pwede ko bang ibaik sa iyo na tama ba na sa ­social media mo ulit ipanga­landakan ito?

Kung talagang may pinag-aralan ka at laging tama ang iyong asal, bakit hindi mo idaan sa abogado mo ang reklamo tungkol sa child subsidy?

Kaso, hindi mo bet ‘yun. Mas bonggang-bongga for you ang ­effort na ipanamumukha mo sa lalaking minsan ay ­minahal mo kaya nga kayo may anak.

Alam namin na maayos­ ang iyong finances­ at you can provide for his son.

May ganito namang fact, bakit kailangang iyak­yak pa at gawing publiko ang mga kakulangan ni James?

What happiness do you derive from belittling his capacities?

Malay mo, malay ko, malay nating lahat, ­iniipon ni James ang lahat ng perang hindi niya binibigay kay Bimby at pag nasa voting age na ito, ibibigay niya ito sa anak niya.

***

Marami ang hindi na­ni­niwala, this writer included, na hindi nagri-reach out si Senior sa ­Junior niya.

Kung sa anak nga nila ni Michela, parang super hands on at mapagkali­nga itong si Yap, sa anak niya pa kayang malapit na maging binatilyo hindi siya magkakapanahon?

Dapat siguro, Krissy, mapanood mo ang Kiko Boksingero para mapagtanto mo kung gaano pa rin kaimportante sa isang batang lalaki na may happy at healthy relationship siya sa kanyang ama.

Kahit pa sabihin mong ‘yung love, love, love, love mo for Bimbs eh more than sufficient, magpakatotoo ka na at tanggapin na you can never fill the basketball shoes of your ex.

James and James Jr. have a bond stronger than you can imagine, they are also bonded by blood. Mag-ama.

Sa susunod na you rant against your ex, sana, iniisip mo rin ang magiging damdamin ni Bimbs pag di sinasadyang mabasa niya ang mga sinasabi at sinusulat mo.

Please don’t paint James as the most cruel­ and insensitive man in this planet. Tatay niya pa rin ‘yun and at the end of the day, he must learn to honor his father.

At you must teach him that.
Si Bimby, dapat lumaki na walang hina­nakit sa tatay niya.

Ikaw, bilang ina, ang dapat magturo nito sa kanya.
You owe that to Bimby.