KASABAY ng balitang pagpapakasal ni Isabelle Daza ay ang pagiging engaged na raw ni Divine Lee kay Blake Go, her non-showbiz boyfriend of one year.

Nag-propose daw ang Chinese businessman boyfriend ni Divine noong Linggo over a romantic candlelight dinner sa Ayana Resort and Spa sa Bali, Indonesia.

Ang pamilya ni Blake ang may-ari ng Prince Warehouse Club, isang chain of supermarkets and department stores sa Cebu at ilang bahagi ng Mindanao.

Bago kay Blake, Divine was in a three-year relationship with actor/model Victor Basa.

Nag-break sila noong April noong isang taon.

Nasaan na nga pala si Victor?

***

Mas OK sana kung ginawa na lang isang full episode ng Magandang Buhay sina Mommy Eva Cariño, Rommel at Daniel Padilla.

Hindi na sana ibinalik sa closing si Joel Cruz at mga anak nito. Kuwela sa audience ang tuksuhan at pagpa-punchline nina Rommel at Karla.

Speaking of Karla, totoo bang may distansya na sila ni Kris Aquino simula noong pinalitan nila si Kris sa morning timeslot ng ABS-CBN?

Hindi na raw sumasagot si Tetay kapag nagte-text si Karla. Hindi na tulad ng dati?

***

Sa presscon ng Hermano Puli, magandang tanungin sa Aljur Abrenica kung bakit mas pinili niyang makasama ang mga kaibigan sa ipina-remodel niyang bahay kaysa sa mga kapatid na hiwalay na ng tirahan sa kanya.

OK lang na turuang maging independent ang mga kapatid, pero bakit may ibang taong bago?

One Response

  1. Sana makita ang mga pangalan ng columnist sa ‘showbiz stories’ contents page para malaman na kaagad ang by-line. Mas una kong binabasa ang preferred columnist kesa yong iba na madalas press release lang ang laman at iba naman ay parang exclusive writers ng grupo at pamilya.